DENR CALABARZON, Patuloy ang Pagpupugay sa Kultura at Pagkakaisa ngayong Buwan ng ASEAN at Wikang Pambansa
- Wednesday Chronicle
- Sep 8
- 1 min read

#BuwanngASEAN #BuwanngWika | Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalalim ng kamalayan sa pagkakaisa at pagkakaibigan ng mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ginugunita ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR) Rehiyon ng CALABARZON ang Buwan ng ASEAN sa pamamagitan ng pagsuot ng mga kasuotang hango sa kultura at tradisyon ng iba’t ibang bansa ng ASEAN at pag-awit ng ASEAN hymn na “The ASEAN Way” tuwing araw ng Lunes sa seremonya ng pagtaas ng watawat ng Pilipinas.
Ito ay alinsunod sa Proklamasyon Blg. 282, s. 2017 na nagdeklara sa buwan ng Agosto bilang “ASEAN Month.” Ang selebrasyon ngayong taon ay may temang “Inclusivity and Sustainability” (Pagsasama-sama at Pagpapanatili), na layuning itaguyod ang pagkakapantay-pantay, pagkakaisa, at pangmatagalang kaunlaran sa rehiyon.
Kasabay nito, bilang pakikiisa rin sa Buwan ng Wikang Pambansa na ipinagdiriwang sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997, ginagamit ang wikang Filipino sa pagbigkas ng DENR Vision, Mission, at Quality Policy tuwing Monday Convocation. Layunin nitong higit pang palaganapin ang pambansang wika bilang kasangkapan sa epektibong komunikasyon at pagbubuklod sa hanay ng mga kawani ng DENR. /PR




Comments