PGC Naghatid ng Libreng Serbisyong Medikal at Dental sa Brgy. San Gabriel, GMA
- Wednesday Chronicle
- 4 days ago
- 1 min read

GENERAL MARIANO ALVAREZ, Cavite — Patuloy na pinalalakas ng Provincial Government of Cavite (PGC) ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad matapos magsagawa ng panibagong medical at dental mission sa Barangay San Gabriel noong Enero 14.
Sa isinagawang aktibidad, umabot sa 502 residente ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal, kabilang ang medical consultation, dental services, at iba’t ibang diagnostic procedures tulad ng fasting blood sugar test, ECG, at X-ray examination. Namahagi rin ng libreng gamot at bitamina ang pamahalaang panlalawigan sa mga pasyenteng nangangailangan.
Nakiisa at nagpaabot ng suporta sa nasabing misyon sina Aidel Belamide at Ivee Jayne Reyes, kapwa kinatawan ng Ikalimang Distrito ng Cavite. Ipinahayag ng mga opisyal ang kanilang buong suporta sa patuloy na programa ng lalawigan na naglalayong matiyak na naaabot ng de-kalidad na serbisyong pangkalusugan ang bawat pamayanan.
Ayon sa Pamahalaang Panlalawigan, ang medical at dental mission ay bahagi ng patuloy nitong adbokasiya na palawakin ang access sa serbisyong pangkalusugan, lalo na sa mga malalayong barangay at sektor na higit na nangangailangan ng tulong.




Comments