top of page

Deadline ng Aplikasyon para sa YAKAP Clinics at GAMOT Package Providers, In-extend hanggang Enero 30

  • Writer: Wednesday Chronicle
    Wednesday Chronicle
  • 4 days ago
  • 1 min read

QUEZON CITY — Inanunsyo ng PhilHealth ang pagpapalawig ng deadline ng aplikasyon para sa mga nais maging YAKAP Clinics at GAMOT Package Providers para sa Calendar Year 2026.


Ayon sa ahensya, ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon ay sa Enero 30, 2026 (Biyernes). Hinikayat ang mga healthcare providers na agad nang magsumite ng kanilang mga kinakailangang dokumento upang maiwasan ang anumang abala sa kanilang accreditation.


Binigyang-diin din ng PhilHealth na ang mga aplikasyon na maisusumite lampas sa itinakdang deadline ay ituturing na re-accreditation, na maaaring magresulta sa pagkaantala o pansamantalang pagkawala ng bisa ng accreditation ng mga provider.


Kaugnay nito, muling pinaalalahanan ang mga aplikante na tiyaking kumpleto at nasa tamang oras ang pagsusumite ng kanilang mga requirements upang mapanatili ang tuluy-tuloy na pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa mga benepisyaryo.

 
 
 

Comments


Subscribe to Our Newsletter

Thanks for submitting!

  • White Facebook Icon

© 2023 by The Wednesday Chronicles and secured by Wix

bottom of page