top of page

98 Kabataang Imuseño Lumahok sa Book Character Costume Competition

  • Writer: Wednesday Chronicle
    Wednesday Chronicle
  • Nov 24, 2025
  • 1 min read

IMUS CITY – Umabot sa 98 kabataang Imuseño ang lumahok sa Book Character Costume Competition: Dressing Up and Acting Out – Year 5 na inorganisa ng City of Imus Public Library noong Nobyembre 13, 2025.


Ginanap ang programa sa City of Imus Youth Center, na sinundan ng parada mula Imus Pilot Elementary School patungong City of Imus Sports Complex, kung saan idinaos ang awarding ceremony. Layunin ng aktibidad na isulong ang malikhaing pagbasa at pagpapahalaga sa literatura sa mga kabataan.


Ang kumpetisyon ay nahati sa apat na kategorya, na nilahukan ng mga estudyante mula Kinder hanggang Grade 12.


Sa unang kategorya, itinanghal na 1st place at Best in Costume si Zayn Johann Tulang bilang Paboreal. Sa ikalawang kategorya, si Jiah Kelsey Papa ang nagwagi ng 1st place sa kanyang pagganap bilang Thumbelina, habang si Zabrina Jazzrelle Tulang ang nanalo bilang Best in Costume sa kanyang karakter na Te Fiti/Te Ka.


Sa ikatlong kategorya, si Joeiana Altheaia Canada ang humakot ng 1st place bilang Rapunzel, samantalang si Gemaica Angelynne Leopoldo ang nagwagi bilang Best in Costume para sa kanyang karakter na Elphaba. Sa ikaapat na kategorya, nakuha ni Jade Ann Restar Casipit ang 1st place bilang The Queen of Hearts, at si Kurt Russian Maaño naman ang tinanghal na Best in Costume bilang Captain Ahab.


Nagsilbing hurado sa kompetisyon sina retired DepEd Supervisor Feliz Tayao, Microsoft Innovative Educator Expert Kate Medina Bare, at School Librarian Mabel Musa ng St. Michael Institute of Bacoor.


Naniniwala ang Imus LGU na ang taunang kompetisyon ay mahalagang hakbang upang palawakin ang imahinasyon, pagkamalikhain, at interes ng kabataan sa pagbabasa—isang adbokasiya na patuloy na isinusulong ng lungsod. /PR

 
 
 

Comments


Subscribe to Our Newsletter

Thanks for submitting!

  • White Facebook Icon

© 2023 by The Wednesday Chronicles and secured by Wix

bottom of page