40 Residente ng Bayan Luma Sumikad sa Meat Processing Training
- Wednesday Chronicle
- Nov 24, 2025
- 1 min read

IMUS CITY – Mahigit 40 residente ng Bayan Luma ang lumahok sa meat processing training na isinagawa ng Office of the City Cooperatives Development Officer noong Huwebes, Nobyembre 13, 2025, sa Bayan Luma 7 Barangay Hall.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na programa ng Pamahalaang Lungsod ng Imus para suportahan ang kabuhayan ng mga Imuseño sa pamamagitan ng pagbibigay ng praktikal na kaalaman at karagdagang kasanayan. Pinangunahan ang pagsasanay ni Charis Geronimo, na nagbahagi ng mga teknik sa ligtas at masarap na paggawa ng iba’t ibang meat products.
Ayon sa City Cooperatives Development Office, ang Livelihood Skills Training ay layuning palawakin ang oportunidad sa kabuhayan ng mga residente sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na kaalaman na maaari nilang magamit para sa pagnenegosyo o dagdag na hanapbuhay.
Patuloy na isinusulong ng Imus LGU ang ganitong uri ng programa upang matulungan ang komunidad na magkaroon ng mas matatag na pinagkakakitaan at mapalakas ang lokal na kabuhayan. /PR




Comments