ROAD TO 1 MILLION TREES!
- Wednesday Chronicle
- Sep 8
- 1 min read

Para sa layunin na makapagtanim ng isang milyong puno sa buong bansa, isinagawa ng Office of the Vice President (OVP) ang programang PagbaBAGo: A Million Trees Campaign ngayong araw, August 29, 2025 sa Hermosa, Bataan.
Personal ring nakibahagi si OVP Spokesperson Atty. Ruth Castelo sa pagtatanim ng kabuuang 3,326 na puno kasama ng mga kawani ng Tanggapan, CENRO Pilar, MENRO Hermosa, at iba’t ibang mga volunteers mula sa Barangays Bacong, Bamban, JRC Mandama, Mabiga, Maite, Pandating, Sacrifice Valley, at Tipo.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 999,450 na mga puno na ang naitanim sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas bilang hakbang sa pangangalaga ng kalikasan, at sa pagpapatuloy sa nasimulang kampanya sa environment conservation at climate change reduction. /PR




Comments