Mahigit 800 Bacooreño, Nakakuha ng Tulong Pinansyal mula sa LGU
- Wednesday Chronicle
- Sep 8
- 1 min read

Bacoor City, Cavite — Patuloy na ipinapakita ng Pamahalaang Lungsod ng Bacoor ang malasakit nito sa mga residente sa pamamagitan ng pamamahagi ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) noong Agosto 29, 2025 sa Strike Gymnasium.
Pinangunahan nina Mayor Strike B. Revilla at Vice Mayor Rowena Bautista-Mendiola ang aktibidad, katuwang sina Congresswoman Lani Mercado Revilla, Cong. Bryan Revilla ng Agimat Partylist, Sangguniang Panlungsod, at City Social Welfare and Development (CSWD) Office.
Layunin ng AICS na magbigay ng agarang tulong pinansyal sa mga pamilyang nakararanas ng matinding pangangailangan tulad ng pagbabayad sa ospital, pagbili ng gamot, at iba pang kagyat na gastusin.
Mahigit 800 Bacooreño ang nakatanggap ng ayuda sa nasabing programa, isang malinaw na patunay ng patuloy na suporta ng lokal na pamahalaan para sa kapakanan ng mga mamamayan nito. /PR




Comments