Imus LGU at OWWA, Naghatid ng Tulong at Pag-asa sa mga OFW
- Wednesday Chronicle
- Sep 8
- 1 min read

Imus City, Cavite — Mahigit 510 benepisyaryo ang nakatanggap ng relief goods sa isinagawang Relief Operations ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) noong Miyerkules, Agosto 27, 2025, sa Dimasalang Covered Court, Brgy. Poblacion 4-C.
Kaagapay ng OWWA ang Public Employment Service Office (PESO) sa pamumuno ni PESO Manager Clarita Casing at si OFW Focal Person Cecile Foz sa pagtugon sa pangangailangan ng mga overseas Filipino workers at kanilang pamilya na naapektuhan ng malalakas na pag-ulang dulot ng habagat na pinalakas pa ng mga bagyong Crising, Dante, at Emong.
Kinumusta rin ni dating konsehal Tito Monzon ang mga OFW at kanilang mga pamilya, bilang pagpapakita ng pakikiisa sa kanilang pinagdaraanan.
Layunin ng relief operations na maghatid ng agarang tulong at magbigay ng pag-asa para sa mga pamilyang OFW na nakaranas ng matinding pagsubok dulot ng kalamidad. /PR




Comments