Cayetano itinulak ang pagpapalawak ng people-to-people exchanges ng PH at Japan

Nanawagan si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano nitong Miyerkules na palawakin pa ng Pilipinas at Japan ang people-to-people exchanges o mas maraming oportunidad para sa pagbisita, pagpapalitan ng kultura, at ugnayan ng kanilang mga mamamayan.
Aniya, ito ang susunod na hakbang upang lalo pang tumibay ang pitong dekadang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Ginawa ni Cayetano ang panawagan kasabay ng pag-apruba ng Senado sa Proposed Senate Resolution No. 502 na kumikilala sa matibay na pagkakaibigan ng Pilipinas at Japan at ang pag gunita ng ika-70th anniversary ng normalisasyon ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa.
Sa kanyang co-sponsorship speech, binalikan ni Cayetano kung paano nagbago ang relasyon ng Pilipinas at Japan mula noong World War II.
“It is phenomenal how in such a short period of time, Filipinos and Japanese or the Philippines and Japan went from bitter enemies to people doing business together through two preferred partners and now enjoying a true brotherhood or sisterhood,” sabi ng senador.
Ayon kay Cayetano, marami pang maaaring matutunan ang Pilipinas sa Japan habang sabay na hinaharap ng dalawang bansa ang mga bagong hamon sa rehiyon at sa mundo.
“Nations need guides and sometimes you need an outside guide. The Japanese people, the Japanese businessmen, can be not only a partner but a wise counselor and guide to the Philippines,” sabi niya.
Kinilala rin ng senador si Japanese Ambassador Endo Kazuya na dumalo sa sesyon ng Senado dahil sa naging ambag nito sa pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at Japan.
“In such a short period of time, he has done so much. [Speaking to Kazuya] I know it’s for your country to say that you did a great job, but at least for Filipinos, we know that you did a great job,” sabi niya.
Binigyang diin ni Cayetano na dapat mas palakasin pa ang ugnayan ng mga mamamayan ng Pilipinas at Japan sa susunod na yugto ng relasyon ng dalawang bansa.
Kinilala rin niya ang patuloy na suporta ng Japan sa Pilipinas sa ilalim ng iba’t ibang administrasyon at hinimok ang dalawang bansa na palawakin pa ang tourism, mga exchange program, at mga gawaing pangkultura.
“We honor the leaders of Japan that regardless of our foreign policy, regardless of who our president is, they’re there to help, they’re there to build bridges,” sabi ni Cayetano.###




Comments