152 Imuseñong Ina, Lumahok sa “Yakap Hakab” ng CHO
- Wednesday Chronicle
- Sep 8
- 1 min read

Imus City, Cavite — Sabayang nagpasuso ang 152 ina sa lungsod ng Imus sa isinagawang “Yakap Hakab” ng Office of the City Health Officer (CHO) noong Huwebes, Agosto 28, 2025, sa SM Center Imus bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Breastfeeding Awareness Month.
Sa naturang aktibidad, itinampok ang mga makabuluhang talakayan nina Dr. Marco Aldrin Andaya, Dr. Francis Roy Sanares, Liberty Guzman, at Angela Bea Talabis hinggil sa wastong pagpapasuso, tamang nutrisyon, at pangangalaga sa kalusugan ng ina at sanggol.
Dumalo rin upang magbigay-suporta sina City Vice Mayor Homer T. Saquilayan, Konsehal Enzo Asistio, Konsehal Yen Saquilayan, Konsehal Mark Villanueva, Gender and Development Unit Officer-in-Charge Doris Sagenes, City Information Officer Ervin Ace Navarette, City Health Officer Dr. Ferdinand Mina, Dr. Larni Topacio, at Dr. Par-Andres.
Nagpaabot ng pasasalamat ang Pamahalaang Lungsod ng Imus sa pamunuan ng SM Center Imus, partikular kina Assistant Manager Chrisma Mae Legaspi at Marketing Officer Arvin Sibayan, sa kanilang ibinigay na suporta upang maging matagumpay ang aktibidad.
Ang “Yakap Hakab” ay naglalayong palakasin ang kamalayan sa kahalagahan ng breastfeeding para sa kalusugan ng mga sanggol at mga ina, at pagpapatibay ng suporta ng komunidad sa mga Imuseñong nanay. /PR




Comments