top of page

PhilHealth, May Accredited Facilities na sa Laguna para sa Outpatient Therapeutic Care (OTC) Benefits Package ng Severe Acute Malnutrition

  • Writer: Wednesday Chronicle
    Wednesday Chronicle
  • May 1
  • 1 min read

Ngayong 2025, maaari nang magamit ang Outpatient Therapeutic Care (OTC) Benefits para sa Severe Acute Malnutrition sa Calamba, Laguna.

Accredited na para magbigay ng nasabing benepisyo ang Calamba City Health Office, Barreto St., Barangay 7, Calamba City at ang Cuba Urban Health Center, Purok 7, Barangay Punta, Calamba City.

Ang outpatient therapeutic care benefits package para sa SAM ay tugon upang isulong ang universal coverage at financial risk protection para sa mga bata at pamilyang Pilipino. Ang halaga ng nasabing benefit package ay P7,500 para sa mga sanggol na wala pang anim (6) na buwan ang edad at P17,000 naman para sa mga batang anim (6) na buwan hanggang limang (5) taong gulang.

Sakop ng benepisyong ito ang mga sumusunod na serbisyong kinakailangan para sa gamutan ng SAM gaya ng assessment o pagsusuri, counseling o pagpapayo, commodities (ready-to-use therapeutic food o RUTF), mga gamot kung kinakailangan, gayundin ang paglipat mula sa outpatient therapeutic care (OTC) papuntang inpatient therapeutic care (ITC) at mga follow-up visit o pagbisita sa tahanan at surveillance.

Ang Severe Acute Malnutrition o SAM ay isang kritikal na pandaigdigang isyu na nangangailangan ng madaliang atensyon at aksyon. Kaya naman patuloy ang paghihikayat ng PhilHealth Regional Office IVA sa mga ospital at iba pang mga health care providers na magpa- accredit para mas maraming pasilidad ang makapagbigay ng naturang serbisyo sa mga miyembro ng PhilHealth./PR

 
 
 

Коментарі


bottom of page