Ph Army patuloy sa pagsasagawa ng local peace engagements sa Calabarzon
- Wednesday Chronicle
- Aug 31, 2024
- 2 min read

Iniulat ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division, Philippine Army na patuloy ang isinasagawa nilang local peace engagements, hanggang sa barangay level, upang mapanatili ang katahimikan at kapayapaan, at mapigilan ang insurhensiya.
Sa Kapihan sa Bagong Pilipinas nitong Agosto 13 na idinaos sa Camp General Mateo Capinpin sa Tanay, Rizal, ibinahagi nina 201st Infantry “Kabalikat” Brigade Commander BGEN Erwin Alea at 202nd Infantry “Unifier” Brigade Brigade Commander BGEN Cerilo Balaoro Jr ang ilan pang mga napagtagumpayang programa ng Philippine Army ukol sa pagprotekta sa mga komunidad.
Ilan sa mga napagtagumpayang programa ng 2nd Infantry Division ay:
* Paghahanda ng 202nd Brigade sa turnover sa Philippine National Police (PNP) ng pamumuno sa usapin ng peace and security operations sa Calabarzon dahil sa mababang threat level ng insurhensiya.
* Patuloy na pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga barangay y ukol sa sitwasyon ng kapayapaan sa kani-kanilang lugar bago maideklarang SIPS area.
* Nasa 12 bayan sa lalawigan ng Rizal ang ginawaran na ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) status ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF ELCAC).
* Nasa 13 bayan na sa Laguna at Cavite ang ginawaran ng Stable Internal Peace and Security (SIPS) status mula sa RTF ELCAC. Kasama sa bilang na ito ang walong ( 8 ) bayan na sa Laguna at limang (5) bayan sa Cavite Province.
* Patuloy ang isinasagawang community visitation ng 201st Infantry “Kabalikat” Brigade upang ipaalam sa mga komunidad ang sitwasyon ng kapayaan sa kanilang lugar upang nagkaroon ng kakayanan ang mga barangay na protektahan ang kanilang komunidad at ng sistematikong paraan ng pagbibigay impormasyon sa mga awtoridad ukol sa mga kahina-hinalang grupo.
* Patuloy na pakikipag-ugnayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine National Police (PNP) upang masiguro ang seguridad ng mga barangay.
* Pagbibigay pagkakataon sa mga dating rebelde na magbagong buhay at magbalik-loob sa lipunan sa tulong ng programang E-CLIP ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
* Patuloy na pagsailalim sa reorientation ng mga sumukong miyembro ng mga Communist Terrorist Group (CTG) bago sila tulungan manumpa ng panunumbalik sa pamahalaan.
* Nagsisilbing panimula ang local peace engagement tungo sa pangmatagalang kapayapaan sa mga bayan ng Antipolo at Rodriguez, Rizal, alinsunod sa proseso ng deklarasyon ng SIPS status.
* Pagsasagawa ng information campaign ng Philippine Army sa mga kabataan sa mga paaralan at State Universities and Colleges (SUC) na nakatuon sa mga estratehiya ng recruitment ng CPP-NPA-NDF at mga legal front nito.
* Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng AFP sa sektor ng edukasyon kung saan nabigyang pansin ang gampanin ng mga guro sa pagbibigay-kaalaman sa mga mag-aaral.
* Pagbibigay ng humanitarian assistance sa panahon ng sakuna tulad ng bagyo, pagbaha, atbp. Katuwang ang Office of Civil Defense at lokal na pamahalan, at pagbibigay suporta sa Search and Rescue operations at transportasyon sa mga nasalantang lugar.
Ang mga inisyatibo ng 2nd Infantry Jungle Fighter Division ay mahalaga para sa pagpapatatag ng seguridad at para sa pagbibigay ng suporta sa mga programang pangkaunlaran sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang makamit ang payapa at ligtas na komunidad para sa Bagong Pilipinas./CPIO
Comentarios