P29 BIGAS NG NIA, SINIMULAN SA CALABARZON
- Wednesday Chronicle
- Aug 31, 2024
- 1 min read

Abot kayang presyo ng bigas ang hatid ng paglulunsad ng programang Murang Bigas @ P29/kg ng National Irrigation Administration Calabarzon sa Naic, Cavite ngayong araw, Agosto 15.
Pinangunahan nina Regional Manager Roberto Dela Cruz NIA Cavite-Batangas Irrigation Management Office (IMO) Manager Edwin Nazareno ang nasabing aktibidad kung saan nasa 1,000 sako ng 10 kilo na bigas ang mabibili ng publiko.
Ayon sa NIA, bibigyang prayoridad sa bentahan ng murang bigas ang mga senior citizen, miyembro ng 4Ps, solo parent, at PWD.
Naging posible ang abot-kayang presyo ng bigas dahil sa programang Rice Contract Farming kung saan sinusuportahan ng ahensiya ang mga magsasaka na kasapi ng Irrigators Association (IA) mula sa pagtatanim hanggang sa pag-harvest ng mga palay.
Maliban sa bigas, ibinenta rin ng mga Irrigators Association (IA) sa murang halaga ang kani-kanilang produkto gaya ng mga gulay at ibang high-value crops./PR
Комментарии