top of page

Libreng Legal Serbisyo mula sa Abogado ng Imuseño Konsehal Atty. Wency Lara

  • Writer: Wednesday Chronicle
    Wednesday Chronicle
  • Aug 14, 2024
  • 2 min read

Ngayong Agosto, muling ilalapit ni Konsehal Atty. Wency Lara ang mga libreng legal na serbisyo sa mga barangay sa Imus!

Una nang ihahatid ang Libreng Notaryo, Legal Advice at Late Birth Registration sa mga residente ng mga barangay sa Alapan I & II sa darating na August 09, Biyernes, mula 8:00 AM sa Alapan I-A, Regal Homes.

Bukas ito sa mga residente ng mga barangay Alapan I & II.

Para sa Libreng Notaryo, kinakailangan ang:

✅ Appearance of Affiant (Personal na pagpunta ng kinauukulang taong magpapanotaryo)

✅ Photocopy of Valid Government ID with 3 signatures affixed on photocopied paper (Kopya ng Valid Government ID na may tatlong lagda sa papel).

Para sa Libreng Legal Advice, dalhin ang:

✅ Ano mang dokumento o legal papers na may kaugnayan sa nais ipakonsulta.

Para naman sa Late Birth Registration, ihanda ang mga sumusunod:

✅ Affidavit of two witnesses

• Maaaring magsama ng dalawang taong hindi kamag-anak dala-dala ang kanilang valid ID.

✅ Barangay Indigency

• Kung ang aplikante ay menor de edad (0–17 taong gulang), ipapangalan ito sa magulang.

✅ Barangay Certification, kalakip ang mga sumusunod:

• Full Name

• Date of Birth

• Place of Birth

• Maiden Name of Mother

• Name of Father.

✅ Proof of Birth, alin man sa mga sumusunod:

• Baptismal Certificate

• Medical Record (Immunization)

• Marriage Contract

• Lumang NBI Clearance, Police Clearance, o Passport

• Form 137 mula sa paaralan

• Voter’s Registration Record mula sa COMELEC (2 pages)

• Member Data Record mula sa Pag-IBIG Fund, PhilHealth, o SSS

• Government-Issued ID (tulad ng National ID, Driver’s License, Senior Citizens ID)

• CEDULA (Community Tax Certificate)

✅ Marriage Contract ng mga Magulang, kung kasal.

PAALALA: Kailangan ang personal na pagpunta ng Ama, Ina, at ng Bata kung ang edad nito ay pitong taong gulang pataas.

Para sa mga katanungan at iba pang impormasyon, makipag-ugnayan sa official Facebook page ni Konsehal Atty. Wency Lara.

Kommentare


bottom of page